^

Bansa

ARMM elections tuloy - Comelec

-

Tuloy ang eleksiyon sa darating na Agosto 11, 2008 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa kabila ng pa­na­wagan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na suspendihin ito at isagawa na lamang matapos ang peace talks sa pagitan nila at ng pamahalaan.

Ayon sa tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) na si Atty. James Jimenez, hindi sila maaring magsuspinde ng halalan o ipagpaliban ito dahil kailangan nilang isagawa ang itinakdang eleksiyon sa ARMMM alin­sunod sa batas, na isa­gawa ito kada-taon.

Pinayuhan ni Jimenez ang MILF na sa Kongreso ito umapela para mabago ang itinakda ng batas.

Para aniya sa  Comelec, mahalagang  matuloy ang ARMM elections dahil ito ang magiging batayan sa isasagawang full automation ng eleksiyon sa 2010.

Gayunman, kinumpir­ma ni Jimenez na tuloy na tuloy naman ang automation sa 2010 elections at pagpipiliang gamitin ang Optical Mark Reader at ang Direct Recording Electronic.

Siniguro rin ni Jimenez na ang mga voting at counting machine ay handang-handa na para sa nalalapit na halalan matapos ang masusing pagsusuri o quality assurance tests. (Ludy Bermudo)

AUTONOMOUS REGION

COMELEC

DIRECT RECORDING ELECTRONIC

JAMES JIMENEZ

JIMENEZ

LUDY BERMUDO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MUSLIM MINDANAO

OPTICAL MARK READER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with