43 kumpanya sa Calabarzon okey sa non-wage benefits
Nagkasundo ang 43 kumpanya sa Region IV-A (Calabarzon) at Department of Labor and Employment (DOLE) na ipatupad ang pagkakaloob ng non-wage benefits sa mga manggagawang saklaw ng minimum wage.
Ito’y matapos ang paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng DOLE, sa pangunguna ni Labor Secretary Marianito Roque, at mga kumpanya kahapon sa Calamba, Laguna na matulungan ang mga manggagawa na hindi gaanong masapul sa paglobo ng mga presyo ng mga basic needs.
Naniniwala ang mga kumpanya na sa pamamagitan ng non-wage benefits ay makakatulong ito sa pagtaas ng productivity ng kumpanya at mababawasan ang problema sa mga manggagawa.
Ang mga kumpanyang lumahok ay H.S. Craft Manufacturing Corp., Hamlin Industrial Corp., Bridgestone Precision Molding Phils., Inc., MNTEC Corp., Yazaki-Torres Manufacturing, Ionics EMS, Inc., Ho Woong Co. Inc, Walter Garments Corp., Canlubang Pulp Mfg., Kaylee Fashion, PKI Pilipinas Kyoritsu Inc., NY San Felix Ltd. Co. at University of Batangas.
Kabilang sa matatamasa ng mga manggagawa ang rice subsidy, mas murang mga gamit, mga day care center para sa mga anak ng mga manggagawa, scholarships, mga pro-poor programs at iba pa. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending