Hindi papayagan ng Philippine National Police (PNP) na makalabas ng kulungan ang mag-amang Indanan Mayor Alvarez Isnaji at anak nitong si Haider para mangampanya sa darating na Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections sa Agosto 11.
Si Mayor Isnaji ay tumatakbong ARMM governor habang ang anak nitong si Haider ay kandidato sa posisyon ng Assemblyman sa rehiyon. Ang dalawa ay kasalukuyang nakadetine sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame matapos iturong suspek sa pagdukot sa grupo ni ABS-CBN reporter Ces Drilon.
Nakatakda namang desisyon ng mga prosecutor ng gobyerno kung dadalhin sa korte ang kasong kidnapping for ransom laban sa mga Isnaji matapos ang ilang linggong preliminary investigations sa kaso. (Joy Cantos)