^

Bansa

5.5 milyong motorista gagatasan para sa 2010

-

Inireklamo kahapon ng mga pribadong pase­guruhan ang pagkopo umano ng Government Service Insurance System sa pagseseguro sa may 5.5 milyong sasakyan na ipinarerehistro taun-taon ng Land Transportation Office.

Ayon kay Salvador Natividad, presidente ng mga Bukluran ng Manggagawa sa Industriya ng Seguro, gagawing gatasan ng administras­yon ang mga motorista para makalikom ng ma­laking pondo para sa papalapit na 2010 elections.

Pinuna ni Natividad na “pera” at hindi ang kati­ walian na talamak ngayon sa industriya ang da­hi­lan sa desisyon ng gobyerno na gawing mono­pol­yo ng GSIS ang insurance para sa ma­higit na 5.5 milyon mga sasakyan na inirerehistro kada taon sa LTO.

Ang BMIS ay isang malaking grupo sa industriya ng insurance na pormal na umapela sa Malacanang na ibasura ang Department Order 2007-28 na nilagdaan ni Department of Transportation and Communications Secretary Leandro Mendoza.

Ayon sa  insurance brokers, mahigit sa 60,000 katao ang direktang mawawalan ng trabaho sa kautusang ito at daan-libong iba pa ang magugutom sakaling magsara ang may 90 insurance companies.

Isa umanong malaking kilos protesta sa Huwebes sa harap ng Insurance Commission ang ikinakasa ng mga apektadong grupo sa bagong direktiba ng DOTC.

AYON

BUKLURAN

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS SECRETARY LEANDRO MENDOZA

DEPARTMENT ORDER

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

INSURANCE COMMISSION

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SALVADOR NATIVIDAD

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with