^

Bansa

7 kaso vs Echiverri ibinasura ng Ombudsman

-

Ibinasura na ng Office of the Ombudsman ang pitong kasong isinampa laban kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri at walang preventive suspension order na ipinalabas laban dito taliwas sa akusasyon ng isang radio broadcaster.

Sinabi ni Echiverri na ang suspension order ay ipinalalabas lamang sa mga kasong adminis­tratibo at lahat ng isi­nam­pang katulad na kaso kay Echiverri noong kanyang unang termino ay napa­wa­lang saysay na ha­bang ang iba pa ay dinis­mis na ng Ombudsman.

Kaugnay nito, pinasi­nungalingan ng alkalde ang alegasyon at bansag sa kanya ng radio dzMM broadcaster Anthony Ta­ber­na na ekstorsyo­nista dahil sa umano ay pag­hingi ng 50% sa hini­hinging bayad ng mga kontraktor na  RapRap Truc­king Services at Atlantic Erectors sa pinasok na kasunduan sa dating alkalde Rey­naldo Malon­zo sa pama­magitan ng isang Jerry Pelayo. Hindi binayaran ng adminis­trasyon ni Malonzo ang nasabing mga kontrata.

Sinabi ni Echiverri na hindi niya maintindihan kung bakit patuloy siyang inaatake ni Taberna sa kolum nito at programa sa radio.

“I honestly can see no reason why a supposedly “crusading” reporter would take on lies for a cause where facts of truth can easily be ascertained. Is it true that Ta­ber­na is a godson of one of the mayoral candidates I defeated in the last elections?” pahayag ng alkalde.  

Sinabi ni Echiverri na hindi kinuha ni Taberna ang panig ng mga nasa­sangkot na opisyal sa­man­talang paulit-ulit niyang ini-interview at kino-quote si  Candaba, Pam­panga Ma­yor Jerry Pelayo ukol sa isyu.

ANTHONY TA

ATLANTIC ERECTORS

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CANDABA

ECHIVERRI

JERRY PELAYO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with