Sa paninindigang la bag sa Simbahang Katolika ang abortion, iginiit ni Ozamiz Archbishop Jesus A. Dosado na hindi marapat na bigyan ng komunyon ang mga pulitikong pro-abortion.
Sa ipinalabas na pastoral letter kahapon, sinabi ni Dosado na ang mga Katolikong pulitiko na patu- loy sa kampanya para sa pagsusulong ng abortion ay dapat pagsabihan na hindi dapat sumailalim sa Holy Communion.
Nilinaw ni Dosado na na ang desisyong ito ay hindi parusa kungdi kaukulang aksiyon lamang sa pagiging ‘public unworthiness’ ng isang tao na dapat itama ng Simbahan.
Gayunman, nilinaw pa ni Dosado na na hindi la-hat ng moral issue ay maikukumpara sa bigat ng abortion.
“For example, if a Catholic were to be at odds with the Holy Father on the decision to wage war, he would not for that reason be considered unworthy to present himself to receive Holy Communion. There may be a legitimate diver sity of opinion even among Catholics about waging war, but not about abortion,” aniya. (Ludy Bermudo)