^

Bansa

Pulitikong pro-abortion ‘di bibigyan ng komunyon

-

Sa paninindigang la­ bag sa Simbahang Kato­lika ang abortion, iginiit ni Ozamiz Arch­bishop Jesus A. Dosado na hindi mara­pat na bigyan ng komun­yon ang mga pulitikong pro-abortion.

Sa ipinalabas na pas­toral letter kahapon, sinabi ni Dosado na ang mga Ka­tolikong pulitiko na patu-  loy sa kam­panya para sa pagsu­sulong ng abortion ay dapat pagsabihan na hindi dapat sumailalim sa Holy Communion.

Nilinaw ni Dosado na na ang desisyong ito ay hindi parusa kungdi ka­ukulang aksiyon lamang sa pagiging ‘public un­worthiness’ ng isang tao na dapat itama ng Sim­bahan.

Gayunman, nilinaw pa ni Dosado na na hin­di la-hat ng moral issue ay maiku­kumpara sa bigat    ng abortion.

“For example, if a Ca­­tholic were to be at odds with the Holy Father on the  decision to wage war, he would not for that rea­son be considered un­worthy to present him­self to receive Holy Com­munion. There may be    a legitimate  diver­ sity of opinion even among Ca­tholics about waging war, but not about  abor­tion,” aniya. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

DOSADO

HOLY COM

HOLY COMMUNION

HOLY FATHER

JESUS A

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with