Inilampaso ni Senate President Manny Villar ang ilang pumopormang 2010 presidentiables matapos manguna sa ginawang mock elections ng mga estudyante ng Polytechnic University of the Philippines (PUP).
Sa botong 801, nau-ngusan ni Sen. Villar sina Sen. Mar Roxas na nakakuha ng 534 habang nasa ikatlong pwesto si Vice Pres. Noli de Castro na may 330 boto.
Nanguna naman sa Vice Presidential post si Sen. Loren Legarda sa botong 921. Nasa ikalawang puwesto si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, 358 boto at pu- mangatlo si Sen.Jing- goy Estrada sa naku- hang 342.
Bagama’t sina Villar, Roxas, de Castro, Legar da, Santos-Recto at Estrada ang mga pinagpi- lian sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo, lumabas naman ang pangalan ng talunang presidential candidate na si Eddie Gil sa presidential post sa botong 65.
Hindi nakasama sa mga pinagpiliang kandidato ang iba pang matutunog na presidentiables na sina Sens. Chiz Escudero at Panfilo Lacson.
Bagama’t ikinatuwa ng kampo ni Villar ang resulta ng PUP presidential mock elections, kaagad naman nitong iginiit na trabaho muna ang kanyang inaasikaso dahil sa 2010 pa ang halalan.
Ang mock elections ay ginawa mula Hulyo 11-12 sa kampus ng PUP. Ang mga estudyanteng lumahok ay kumukuha ng mga kursong Political Science at Public Administration. (Butch Quejada)