Minaliit lamang ng Malacañang ang panibagong travel advisory ng Amerika laban sa pagbibiyahe ng kanilang mga mamamayan sa Minda nao dahil nanatili naman umanong paboritong pasyalan ng mga turista ang malaking bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Presidential spokesman Jeses Dureza, may mga ilang lugar lang sa Mindanao ay may kaguluhan pero tahimik sa kabuuan ng southern Philippine region.
Ipinaliwanag ni Dureza na ang mga travel advisories ay nagsisilbi lamang payo sa mga mamamayan ng isang bansa at mas maituturing pa itong “speculative in character”.
Kalimitan din aniyang hindi naman sinusunod ng matataas na opisyal ng United States ang ipinalalabas nitong travel advisories.
Sinabi pa ni Dureza na mas malimit pa ngang magtungo sa Mindanao si US Ambassador Kristie Kenney kaysa sa maraming mga Pinoy na nakatira sa Metro Manila.
Nilinaw ni Dureza na walang dapat ikabahala ang mga nais magtungo sa Mindanao at ligtas ito sa mga foreign at local tourists.
Ang travel advisory ay makikita sa website ng US Embassy kung saan pinag-iingat ang mga mamamayan nito na nais magtungo sa Mindanao.