^

Bansa

Travel advisory ng US sa Mindanao minaliit ng M’cañang

- Ni Malou Escudero -

Minaliit lamang ng Malacañang ang pani­bagong travel advisory ng Amerika laban sa pagbi­biyahe ng kanilang mga mamamayan sa Minda­ nao dahil nanatili naman umanong pabori­tong pa­syalan ng mga turista ang malaking bahagi ng Min­danao.

Ayon kay Presidential spokesman Jeses Dure­za, may mga ilang lugar lang sa Mindanao ay may kaguluhan pero ta­himik sa kabuuan ng southern Philippine re­gion.

Ipinaliwanag ni Dure­za na ang mga travel advisories ay nagsisilbi lamang payo sa mga mamamayan ng isang bansa at mas maitu­turing pa itong “specu­lative in character”.

Kalimitan din aniyang hindi naman sinusunod ng matataas na opisyal ng United States ang ipinala­labas nitong travel advi­sories.

Sinabi pa ni Dureza na mas malimit pa ngang magtungo sa Mindanao si US Ambassador Kris­tie Kenney kaysa sa mara­ming mga Pinoy na naka­tira sa Metro Manila.

Nilinaw ni Dureza na walang dapat ikabahala ang mga nais magtungo sa Mindanao at ligtas ito sa mga foreign at local tourists.

Ang travel advisory ay makikita sa website ng US Embassy kung saan pinag-iingat ang mga mamamayan nito na nais magtungo sa Mindanao. 

AMBASSADOR KRIS

DUREZA

JESES DURE

MINDANAO

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with