^

Bansa

‘Palpak’ na uniform inireklamo ng Napolcom employees

-

Inireklamo ng mga opisyal at miyembro ng National Police Com­mission Employees Asso­­cia­tion (NAPEMA) ang umano’y “palpak” ni­lang office uniform.

Sa sulat ni Mr. Lil Gillamac, chairperson committee on public information ng NAPE­MA, hinihingi nila ang paliwa­nag ni Director II Conrado Sumanga Jr., hepe ng Installation and Logistic Service (ILS) ng Napol­com dahil tatlong pares lamang ang kanilang na­tanggap, gayung ang ina­pru­bahan umano ng komite ay apat na pirasong pantalon at apat na barong na ang isang pares nito ay nagkakahalaga ng P4,000.

Bukod dito, inirerek­lamo din ang umano’y mala-tissue paper na tela ng kanilang uniporme.

Kinuwestiyon din kung bakit sa isang gasolinahan sa Paraña­que City kumu­kuha ng krudo ang Napol­com gayung ang tang­gapan nito ay nasa Makati City.

Katwiran umano ni Sumanga ay nagpapa­utang at may diskuwento ang naturang gasolina­han sa Napolcom.

Sinabi naman ni Direc­tor II Aileen Arcen, ng Fi­nan­cial Services ng Na­pol­com, mahigit sa P.2 million kada buwan ang binabayaran ng ahensiya sa naturang gasoline station para sa naturang alokasyon.

Bunsod nito kaya na­na­wagan ang mga ka­wani ng Napolcom kay DILG Sec. Ronaldo Puno na imbestigahan at aksi­yunan ang kanilang hina­ing. (Lordeth Bonilla)

AILEEN ARCEN

CONRADO SUMANGA JR.

EMPLOYEES ASSO

INSTALLATION AND LOGISTIC SERVICE

LORDETH BONILLA

MR. LIL GILLAMAC

NAPOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with