^

Bansa

864 OFWs hinarang sa airport

-

Umaabot na sa 864 undocumented overseas Filipino workers (OFW)  na nagpapanggap na mga turista ang pinag­bawalang lumabas ng bansa sa Diosdado Ma­ca­pagal In­ter­national Airport (DMIA).

Base sa ulat ni Romeo Dime, Regional director ng DMIA kay Bureau of Im­mi­gration (BI) Com­mis­sioner Marcelino Liba­nan, ang mga nasabing OFW ay hindi pinaalis dahil sa kawalan ng kaukulang clearance mula sa Philip­pine Overseas Em­ploy­ment Admi­nistration (POEA) dahil ang kani­lang layunin sa pagtungo sa ibang bansa ay mag­trabaho.

“Most of them presen­ted bogus docu­ments such as fake letters of invitation or affidavits of support from their alleged friends and relatives in the countries where they intended to go and work,” ayon pa kay Dime.

Karamihan umano sa mga OFW ay patungong Malaysia at pinanini­walaang biktima ng illegal recruit­ment.

Naalarma naman si Libanan dahil sa ulat na ang DMIA ang siyang ginagamit ng mga illegal recruiters at human traf­fickers na siyang exit points ng kanilang mga biktima.

Nakatanggap din uma­no ng ulat si Libanan na karamihan sa mga biktima ng illegal recruit­ment ay nasasadlak la­mang sa pros­titusyon at biktima ng pang-aabuso sa pinu­puntahan nilang bansa.  (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF IM

DIOSDADO MA

GEMMA AMARGO-GARCIA

KARAMIHAN

LIBANAN

MARCELINO LIBA

OVERSEAS EM

ROMEO DIME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with