Solon kinasuhan ng SSS

Sinampahan ng kaso sa Makati Prosecutor’s Office si Mindoro Oriental Rep. Rodolfo G. Va­ lencia dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng SSS contribution rem­mitance ng mga emple­yado nito.

Inireklamo ng Social Security System (SSS) si Valencia dahil umabot na sa P3,557,167.48 contribution ng kanyang mga tauhan ang hindi nairemit sa SSS mula October 2001 hanggang February 2008. 

Bukod kay Valencia, isinama din sa kaso sina Carlos M. Castro, pre­sidente; Charle P. Valen­cia, director/treasurer; Joseph Arnold P. Valencia, director/vice pres. at Joanna Marie V. de Jesus, director at VP.

Ang nasabing kom­panya ay ang RGV Development Corp. 

Hindi naman makon­tak si Rep. Valencia para kunan ng pahayag. (Butch Quejada)

Show comments