^

Bansa

11 Magdalo guilty

-

Matapos ang halos limang taong paglilitis, dinismis na kahapon sa serbisyo ang 11 junior officers ng Magdalo Group matapos mapatunayang guilty sa kasong Oak­wood mutiny noong 2003 sa Makati City. 

“The 11 accused officers listed below are adjudged guilty beyond reasonable doubt… this general court martial voted unanimously and hereby imposes the following sentence upon the 11 accused AFP officers listed above to discharge from the military,” ayon kay AFP-General Court Martial (GCM) President Major Gen. Nathaniel Legaspi. 

Ang hatol sa mga aku­sado ay kaugnay sa pag­labag sa Articles of War (AW) 96 conduct unbecoming an officer and a gentleman.

Kinilala ang mga ito na sina Captain Gary Alejano at 2nd Lt. Jonnel Sang­galang ; pawang ng Philippine Marines; Lieutenants Senior Grade James Layug, Eugene Gonza­les, Andy Torrato, at Ma­nuel Cabochan, Lieutenant Junior Grade Arturo Pascua, at Ensign Ar­mand Pontejos mula sa Navy; Capt. Segundino Orpiano, at First Lts. Francisco Ashley Acedillo at Billy Pascua, pawang mula sa Phil. Air Force. 

Tanggap naman ng mga akusado ang hatol ng GCM at ayon kay Layug ay hindi nila pinag­sisihan ang kanilang ginawa.

Gayunman, sinabi ni Le­gaspi na ang nasabing hatol ay pinal lamang kung pagtitibayin at aapru­bahan ito ni Pangulong Arroyo. (Joy Cantos)

AIR FORCE

ANDY TORRATO

ARTICLES OF WAR

BILLY PASCUA

CAPTAIN GARY ALEJANO

ENSIGN AR

EUGENE GONZA

FIRST LTS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with