Rehabilitasyon sa Romblon utos ni GMA

Inatasan kamakailan ni Pangulong Gloria Ma­capagal Arroyo ang Department of Environmental and Natural Resources na magsa­gawa ng reha­bilitasyon sa mga bay­bayin at marine resources ng Romblon para mapa­bilis ang pag­bangon ng ekonomiya nito at mula sa pagkasa­lanta sa pana­nalasa rito ng bagyong Frank.

“Gusto kong iendorso ng DENR na maisama ang Romblon sa $62.3 mil­yong Integrated  Coast­al Resources  Management Project na pinondo­ han ng Asian Development Bank,” sabi ng Pa­ngulo sa isang pahayag.

Idiniin ng Punong Ehe­kutibo na prayoridad ng proyekto ang mga lugar na may kahalaga­han sa bu­hay ng kara­gatan at sa eko­no­miya. Binibigyang-halaga nito ang mahihirap na na­ni­ni­rahan sa tabing-dagat. 

Kaugnay nito, sinabi ni DENR Secretary Lito Atien­za na ieendorso niyang maisama ang Romblon sa proyekto na sisimulan sa taong ito.

Show comments