Rehabilitasyon sa Romblon utos ni GMA
Inatasan kamakailan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang Department of Environmental and Natural Resources na magsagawa ng rehabilitasyon sa mga baybayin at marine resources ng Romblon para mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya nito at mula sa pagkasalanta sa pananalasa rito ng bagyong Frank.
“Gusto kong iendorso ng DENR na maisama ang Romblon sa $62.3 milyong Integrated Coastal Resources Management Project na pinondo han ng Asian Development Bank,” sabi ng Pangulo sa isang pahayag.
Idiniin ng Punong Ehekutibo na prayoridad ng proyekto ang mga lugar na may kahalagahan sa buhay ng karagatan at sa ekonomiya. Binibigyang-halaga nito ang mahihirap na naninirahan sa tabing-dagat.
Kaugnay nito, sinabi ni DENR Secretary Lito Atienza na ieendorso niyang maisama ang Romblon sa proyekto na sisimulan sa taong ito.
- Latest
- Trending