‘Magsuot ng helmet’
“Magsuot ng helmet, iligtas ang buhay!”
Ito ang isinusulong na “motorcycle safety first policy” ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa kampanya nitong panatiliin ang kaligtasan sa pagmo motorsiklo.
Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, mula nang mahigpit na pinatupad ng lokal na pamahalaan ang City Ordinance 0391 o Traffic Code, mahigit sa 180 ang nahulihang walang kaukulang safety helmet ng Reformed Department of Public Safety and Traffic Management mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito.
Sinabi ni Echiverri na mas malapit din sa sakuna ang mga nagmomotorsiklo dahil wala silang proteksyong
Idinagdag pa ng alkalde na bagama’t mataas ang multang P500 para sa hindi pagsusuot ng helmet, maliit pa rin itong kabayaran kung isasaalang-alang natin ang buhay na maaaring mailigtas sa pagsunod ng publiko sa mga umiiral na batas.
Nitong nakaraang taon ay pinakamarami ang namatay sa pagmomotor na may katumbas na 122 motorsiklong naaksidente sa Kalakhang Maynila. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending