^

Bansa

Biyaw ‘di pa lusot - CIDG

-

Irerekomenda ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Department of Justice (DOJ) na isama sa kasong kidnapping for ransom si Jumail Biyaw alyas Maming Biyaw kaugnay ng pagdu­ kot ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa ABS-CBN news team noong Hunyo 8 sa Sulu.

Si Maming ang uma­no’y nagtraydor na guide ng grupo ni ABS- CBN reporter Ces Drilon  bago ang mga ito napasakamay ng Abu Sayyaf. Ang pagdadawit kay Maming sa kidnapping for ransom case ay  na­pag­ka­sunduan ng mga imbesti­gador ng CIDG sa pagpa­patuloy ng isinaga­wang case conference kahapon sa Camp Crame.

Bagaman sinabi ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr., na hindi suspect kundi testigo si Biyaw ay nadamay ito sa kaso base sa isinumiteng testimonya nina Drilon.

Ayon kay P/Senior Supt. Joel Napoleon Coro­nel, Chief Investigator ng PNP-CIDG sa kaso, pinag­basehan ng kaso ang mga isinumiteng pahayag nina Drilon at Prof. Octavio Dinampo kung saan idiniin ng mga ito na dapat na makasuhan si Maming. 

Sa kasalukuyan, sinabi ni Coronel na nakasalalay na sa magiging desisyon ng DOJ kung papasa para gawin pa ring testigo si Biyaw laban sa sinasabing mastermind na sina Inda­nan Sulu Mayor Alvarez Isnaji at anak nitong si Haider. 

Patuloy namang pinag-aaralan ng mga imbestiga­dor kung isasama na rin sa kaso si Dinampo dahil sa ginawa nitong pagliliinis sa mag-amang Isnaji sa pa­ngatlong sworn affidavit na isinumite nito sa DOJ. (Joy Cantos)

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

BIYAW

CAMP CRAME

CHIEF DIRECTOR GENERAL AVELINO RAZON JR.

CHIEF INVESTIGATOR

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DRILON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with