^

Bansa

P1-B kita ng BI

-

Umabot sa P1 bilyon ang kinita ng tanggapan ng Bureau of Immigration sa loob lamang ng anim na buwan.

Ayon kay BI Commissioner Marcelino “Nonoy” Libanan, may kabuuang P1.015 billion ang kinita ng BI mula Enero hanggang Hunyo ng taong ito, kauna-unahan aniya na naitala sa buong kasaysayan ng naturang opisina.

“We are on our way to posting another all-time high income this year and we are grateful for the hard work that you did and the support and cooperation you extended that ensured that success of our programs,” wika ng 45-anyos na lawyer-commissioner.

Aniya pa, ang anim na buwan na kita ay P269.7-million o 36-percent na higit sa target na P745.7 million para sa naturang yugto at P204.8-million o 25-percent na mas mataas sa P810.4 million noong nakalipas na taon.

At dahil dito, ang BI ay kulang na lamang ng P456.5-million upang ma­ka­mit ang target nitong P1.47 billion para sa taon ng 2008.

Ipinagmalaki pa ng dating kongresista ng Eastern Samar na nakamit nila ang makasaysayang marka gayung hindi naman nag­taas ng kahit na anong dag­dag o increase ang kan­yang opisina sa mga transaction charges sa publiko. 

Ang pinakabuod aniya pa sa pag-igkas ng kita ng BI ngayong taon ay maa­aring dahil sa pagdami ng mga bisitang banyaga sa bansa at dahil na rin sa makabagong programa niyang visa-issuance-made-simple (VIMS) at paglimita sa aktibidades ng mga gumagawa ng huwad na mga visa at iba pang dokumento ng BI. (Butch Quejada)

ANIYA

AYON

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER MARCELINO

EASTERN SAMAR

ENERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with