Ducat pinalabas

Pinayagan kahapon ng Manila Regional Trial Court ang hostage-ta­ker na inhinyerong si Armando Ducat na pan­sa­­mantalang makala­bas ng kulungan para ma­da­law niya ang mga mag-aaral sa pinatayo niyang Kaluskos Mus­mos Day Care Center sa Parola compound, Tondo, Manila.

Naging masaya ang pagtatagpo nang paya­gan din si Ducat ng se­cu­rity escorts na tang­galin ang posas sa kaniyang pakikipag­kumustahan sa mga batang mag-aaral.

Nakulong at kina­suhan si Ducat dahil sa pagbihag niya sa 26 na mag-aaral ng naturang Day Care noong naka­raang taon. (Ludy Bermudo)

Show comments