Tulong ’di raw nakakarating sa mga biktima ni Frank
Hiniling kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. kay Pangulong Arroyo na ipa liwanag nito sa publiko kung paano at saan niya ginamit ang kanyang multi-bilyong calamity, social, contingent, confidential at iba pang discretionary funds.
Ginawa ni Sen. Pimen tel ang panawagan dahil na rin sa reklamo ang taumbayan lalo ang naapektuhan ng bagyong Frank sa Panay island na hindi nakakarating sa kanila ang mga delivery ng emergency relief assistance na mula sa national gov ernment.
Kahit ang mga napagkalooban ng mga relief goods ay umaangal dahil hindi naman sapat ang kanilang natanggap bilang pantawid-gutom matapos silang salantain ng bagyong Frank.
Aniya, walang rason ang pamahalaan upang hindi sila makapagbigay ng sapat na assistance sa mga nasalanta ng bagyo dahil na rin sa tinatayang P20 bilyong kinita ng pamahalaan mula sa 12 percent na VAT sa produk tong petrolyo.
Obligasyon umano ni Mrs. Arroyo na ipaliwanag sa taumbayan kung saan niya ginastos ang P9 bilyon calamity fund, P4.7 bilyon President’s Social Fund, P800 milyon na contingency fund at P650 milyon intelligence fund.
Bukod dito, giit pa ni Pimentel, ay mayroon ding discretion si PGMA para gastusin ang P50 bilyon na unprogrammed fund na P5 bilyong Kilos Asenso fund at P3 bilyon na Kalayaan sa Barangay fund.
Upang maging
- Latest
- Trending