‘Mister ko, fall guy’

Nagpasaklolo na sa media ang asawa at mga kapitbahay ng panguna­hing suspect sa Cabuyao, Laguna RCBC robbery-homicide case bunga ng umano’y patuloy na pang­gigipit at pananakot ng hindi nakikilalang arma­dong lalaki sa kanilang lugar sa Makati City.

Sa isang presscon­ference sinabi ni Lea Gomo­lon, 32, maybahay ng nadakip na suspect na si dating Army Sgt. Ri­car­ do Gomolon, mula nang dakpin ng mga awtoridad ang kanyang asawa at isangkot sa RCBC ma­saker ay may umiikot na tinted na kotse sa ka­nilang lugar sa Consular Area, Bgy. South­side, Makati City sakay ang mga arma­dong lalaki at nagtatanong kung saan ang bahay ng pa­milya Gomolon.

Naniniwala mga opis­yal ng barangay at mga residente sa naturang lugar na isang uri ng pa­nanakot ang ginagawa sa pamilya Gomolon dahil malinaw umanong hindi naman sangkot at ginamit lamang bilang “fall guy” ang dating sundalo.

Bilang patunay, ipi­nakita pa sa media ni Edith Lauriaga, board of director ng Consular Water Service Cooperative ang log book ng mga barangay tanod sa ka­nilang lugar kung saan lumagda pa ang akusado sa kanyang tour of duty mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng ha­pon noong Mayo 16 na nangangahulugan na wala siya sa Cabuyao nang maganap ang kri­men.

Ilang mga kagawad din ng barangay sa na­turang lugar ang nagpa­tunay na kasama nila si Gomolon na nag-duty nang araw na maganap ang krimen sa RCBC.

Naghain na ng “motion to quash the information” ang abogado ni Go­molon na si Atty. Jose So­lis sa Binan, Laguna RTC na humihiling na ibin­bin muna ang pagbasa ng demanda at ibasura na ng tuluyan ang kaso.  (Butch Quejada)

Show comments