‘Mister ko, fall guy’
Nagpasaklolo na sa media ang asawa at mga kapitbahay ng pangunahing suspect sa Cabuyao, Laguna RCBC robbery-homicide case bunga ng umano’y patuloy na panggigipit at pananakot ng hindi nakikilalang armadong lalaki sa kanilang lugar sa
Sa isang pressconference sinabi ni Lea Gomolon, 32, maybahay ng nadakip na suspect na si dating Army Sgt. Ricar do Gomolon, mula nang dakpin ng mga awtoridad ang kanyang asawa at isangkot sa RCBC masaker ay may umiikot na tinted na kotse sa kanilang lugar sa Consular Area, Bgy. Southside, Makati City sakay ang mga armadong lalaki at nagtatanong kung saan ang bahay ng pamilya Gomolon.
Naniniwala mga opisyal ng barangay at mga residente sa naturang lugar na isang uri ng pananakot ang ginagawa sa pamilya Gomolon dahil malinaw umanong hindi naman sangkot at ginamit lamang bilang “fall guy” ang dating sundalo.
Bilang patunay, ipinakita pa sa media ni Edith Lauriaga, board of director ng Consular Water Service Cooperative ang log book ng mga barangay tanod sa kanilang lugar kung saan lumagda pa ang akusado sa kanyang tour of duty mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon noong Mayo 16 na nangangahulugan na wala siya sa Cabuyao nang maganap ang krimen.
Ilang mga kagawad din ng barangay sa naturang lugar ang nagpatunay na kasama nila si Gomolon na nag-duty nang araw na maganap ang krimen sa RCBC.
Naghain na ng “motion to quash the information” ang abogado ni Gomolon na si Atty. Jose Solis sa Binan, Laguna RTC na humihiling na ibinbin muna ang pagbasa ng demanda at ibasura na ng tuluyan ang kaso. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending