^

Bansa

No rollback! – Napocor

- Nina Angie Dela Cruz At Butch Quejada -

Habang kumikilos ang Manila Electric Company na  maibaba  pa  ang pres­yo ng kuryente, tahasan na­mang inisnab ng National Power Corporation (NAPOCOR) ang atas ng Energy Regulatory Commission (ERC) na ibalik sa konsumer ang sobrang singil na P10 bilyon sa nakaraang dalawang taon at simulang ibaba ang singil sa isinu-supply na elek­trisidad.

Ayon sa ERC, dala­wang petisyon sa power rate hike ang iniharap ng Napocor para sa karag­dagang .38 sentimo/kwh sa kasalukuyang P3.8966/kwh na sinisingil nito.

Nauna rito, pinagpa­liwanag ng ERC ang NAPOCOR kung bakit hindi nagbaba ng ha­laga ng singil sa na­kalipas na dalawang taon sa kabila ng pag­lakas ng piso. Sa pag­susuma ng ERC, kabu­uang P10-bilyon ang dapat ibalik ng Napocor sa su­sunod na anim na buwan para makatikim ng gin­hawa sa electric bills ang mga consumers.

Tinuligsa ng mga energy experts ang Napo­cor sa hinihingi nitong dagdag sa presyo ng kuryente na anila’y “ma­panlinlang” ma­tapos ipasya ng ERC na ba­wasan ng .7270 sen­ ti­mos/kwh ang P3.8966/kwh na singil ng NAPOCOR.

Batay sa record ng ERC, sabay inihain ng Napocor ang dalawang petisyon kamakailan para makasingil ito ng P4.2651/kwh o karag­dagang 0.38 sentimo/kwh sa generation charge mula sa P3.8966/kwh at karagdagang 0.21 sentimo/kwh para naman sa “incremental currency exchange adjustment” o Icera.

Sinabi ng ERC na “Kung babawasin ang P0.7270/kwh sa P3.8966/kwh na singil na iniutos na­min, lalabas na P3.1696 lang ang dapat na singil talaga ng Napocor kaya sa petisyon nilang P4.2651/kwh, la­labas na P1.09/kwh ang tunay na hirit ng Napocor.”

“Malinaw tuloy na sa kabila ng aksyon ng aming tanggapan na maibaba ang presyo ng kuryente, lalo pa itong tataas sa mga darating na araw,” dagdag ng ERC.

Lubhang apektado na­man sa Icera ng Napocor ang mga power consumer sa Luzon at Visayas sa humihinging P0.21/kwh at P0.28/kwh na dagdag-singil ang kumpanya, kum­para sa katiting na P0.02/kwh na hirit nito para sa Mindanao.

Noong Hunyo 11, ay nag-utos ang ERC sa Napocor na agarang ibalik ang P10 bilyon sa mga kos­ tumer nito dahil sa gina­wang “pag-ipit” ng Napocor sa mga natipid nito sa naka­raang dala­wang taon.

ENERGY REGULATORY COMMISSION

ERC

ICERA

KWH

MANILA ELECTRIC COMPANY

NAPOCOR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with