^

Bansa

35 OFWs nasa death row

-

Pinakikilos na ng Se­nado ang Malacañang para maisalba ang nasa 35 overseas Filipino workers (OFWs) na nasa death row.

Sa Senate Bill 421 na inihain sa Senado naka­saad na 35 OFWs ang nahaharap sa parusang bitay kung saan isa ang nasa Brunei, 2 sa China, isa sa Amerika, 4 sa Kuwait, 9 sa Saudi Arabia at 10 sa Malaysia.

Hindi binanggit ang pangalan ng 35 Pinoy workers, maliban sa wa­long nakabilanggo sa ibat-ibang panig ng mundo at kasalukuyang nililitis ang mga kaso, kabilang sina Idan Tejano, Marjan Saki­lan, May Vecina, Rodelio Lanuza, Edison Gonzales, Eduardo Arcilla, Rolando Gonzales at Nelson Diana.

Magkahiwalay ang kaso nina Tejano at Sakilan sa Kingdom of Saudi Arabia kung saan nililitis ang public aspect sa Jed­dah Grand Crout habang nadesisyunan ng Supreme Judicial Court ang private aspect nito.

Nakabilanggo naman sa Kuwait si Vecina at pa­tuloy nililitis ang kaso ha­bang si Lanuza ay dinidinig ang public aspect ng kaso sa Damman Grand Court at kabilang naman sa 72 Pinoy workers sina Arcilla at dalawang Gonzales  habang si Diana ay nililitis sa Malaysian High Court. (Malou Escudero)

DAMMAN GRAND COURT

EDISON GONZALES

EDUARDO ARCILLA

GRAND CROUT

IDAN TEJANO

MALAYSIAN HIGH COURT

MALOU ESCUDERO

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with