Malaki ang hinala ni Vice-President Noli de Castro na itinatago lamang ng pamunuan ng Sulpicio Lines ang kapitan ng tumaob na MV Princess of Stars upang makaiwas ito sa imbestigasyon.
Sinabi ni VP de Castro, may mga impormas yong nakarating sa kanya na itinatago umano ng Sulpicio Lines si Capt. Florencio Marimon Sr. at isa pang survivor sa isang safehouse upang makaiwas sa ginagawang imbestigasyon ng Board of Marine Inquiry at Philippine Coast Guard kaugnay sa paglubog ng barko na may lulang mahigpit 800 pasahero at crew.
May posibilidad umano itong mangyari para ma kaiwas sa imbestigasyon ang kapitan ng barko.
Aniya, sa mga trahedya sa karagatan ay palaging nawawala ang kapitan ng barko kaya hindi maimbestigahan ang mga ito upang mabatid ang tunay na dahilan ng paglubog ng isang sasakyang pandagat.
Iginiit ng PCG na si Marimon lamang ang makakapag-bigay linaw sa kung ano talaga ang nangyari sa naturang pagtaob ng MV Princess of the Stars.
Naniniwala si de Castro na kasamang itina tago ng Sulpico Lines ang isa sa mga survivors na si Dexter Lagahid na bagama’t nakalista sa mga survivors ay hindi naman mahanap ng kanyang mga kaanak. (Rudy Andal)