^

Bansa

2 barko nagbanggaan

- Nina  Gemma Amargo-Garcia, Edwin Ian Melecio At Roberto Dejon -

Isang pampasaherong barko at isang bapor na pangkargamento ang nagbanggaan sa may karagatan ng Camotes Island o Liloan sa Cebu kahapon ng madaling-araw, ayon sa mga opisyal ng Coast Guard.

Naganap ang aksidente isang linggo pag­karaang lumubog ang pampasaherong barko na MV Princess of Stars ng Sulpicio Lines sa kara­gatan ng Sibuyan Island sa Romblon.

Patungo umano ang pampasaherong barko sa Ormoc City mula sa Cebu nang maganap ang salpukan.

Tinukoy ni Jerry Niebre ng Coast Guard ang mga nagsalpukan na MV Wonderful Star  at MCC Zulu cargo. Patungo sa Cebu mula Manila ang pangkargamentong barko nang su­mal­pok ito sa una.

Bahagyang nasugatan ang dalawa sa mga pasahero ng Wonderful Star na sina Vincent Mateo at Michael Surtida. Ligtas naman ang ibang mga pasahero na nakarating sa kanilang destinasyon.

May lulang 607 pasahero ang Wonderful Star.

Lumalabas pa sa ulat na umalis sa daungan ng Cebu ang MV Wonderful Star dakong alas-10:00 kamakalawa ng gabi papuntang Ormoc at bandang ala-1:30 ng madaling araw nang makasalubong nito ang MMC cargo vessel.

CEBU

COAST GUARD

JERRY NIEBRE

MICHAEL SURTIDA

PLACE

WONDERFUL STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with