Vietnam payag magsuplay ng bigas sa Pinas

Pumayag na ang pa­mahalaan ng Vietnam na magsuplay ng bigas sa Pilipinas upang sustini­han ang dagdag na pa­nganga­ilangan ng butil ng bansa sa mga darating na buwan.

Ang Vietnam rice ay kapapalooban ng 600,000 metric tons ng bigas na darating sa bansa sa tat­long magkakasunod na buwan, Hulyo, Agosto at Setyembre.

Ang hakbang ay ipa­tutupad sa ilalim ng government to government basis sa pamamagitan ng Cabinet Rice Procurement Committee (CRPC) alinsu­nod sa Government Procurement Act na exempted mula sa public bidding.

Bukod dito, ang CRPC ay nagpadala na ng im­bi­tasyon sa walo pang mga bansa tulad ng Pakistan, Japan, Thailand, United States, South Korea, Indonesia at China para sa dagdag na rice procurement. 

Sa mga bansang ito, Vietnam pa lamang ang pumabor na magsuplay ng bigas sa Pilipinas. (Angie dela Cruz)

Show comments