Vietnam payag magsuplay ng bigas sa Pinas
Pumayag na ang pamahalaan ng Vietnam na magsuplay ng bigas sa Pilipinas upang sustinihan ang dagdag na pangangailangan ng butil ng bansa sa mga darating na buwan.
Ang Vietnam rice ay kapapalooban ng 600,000 metric tons ng bigas na darating sa bansa sa tatlong magkakasunod na buwan, Hulyo, Agosto at Setyembre.
Ang hakbang ay ipatutupad sa ilalim ng government to government basis sa pamamagitan ng Cabinet Rice Procurement Committee (CRPC) alinsunod sa Government Procurement Act na exempted mula sa public bidding.
Bukod dito, ang CRPC ay nagpadala na ng imbitasyon sa walo pang mga bansa tulad ng Pakistan, Japan, Thailand, United States, South Korea, Indonesia at China para sa dagdag na rice procurement.
Sa mga bansang ito, Vietnam pa lamang ang pumabor na magsuplay ng bigas sa Pilipinas. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending