Lumang barko bawalang maglayag
Iginiit kahapon ni Senate Minority Leader Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr. na pagbawalan nang maglayag ang mga matatandang barko na nagiging sanhi upang malagay sa panganib ang buhay ng kanilang mga pasahero.
Sinabi ni Pimentel na panahon na upang busisiin ng maritime transportation authorities ang mga tinaguriang ‘second-hand sea vessels’.
Naniniwala si Pimentel na mas makabubuting patubuan na lamang ng talaba ang mga lumang barko kaysa maging “floating coffin”.
Kung papayagan pa rin aniyang magamit sa karagatan ang mga lumang barko, hindi imposibleng maulit ang nangyaring trahedya sa MV Princess of the Stars.
Bagaman at ang Princess of the Stars ang pinakamalaking barko ng Sulpicio Lines, ito ay nasa 25 taong gulang na umano na binili sa Japan noong 2000 sa halagang $5milyon. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending