Sinibak bilang Station Commander ng Philippine Coast Guard (PCG) sa North Harbor, Manila si Commander Erwin Balagas kasunod ng isinasagawang imbestigasyon ng Board of Marine Inquiry(BMI) sa pagtaob ng M/V Princess of the Stars ng Sulpicio Lines noong Sabado.
Ito ang inihayag kahapon ni PCG spokesman Armand Balilo makaraang maglabas ng kautusan si Vice Admiral Wilfredo Tamayo.
Nabatid kay Balilo, ang pagsibak kay Balagas ay bahagi ng imbestigasyon sa paniniwalang nasa kanyang hurisdiksiyon ang M/V Princess of the Stars bago ito tumaob dahil umalis ito dakong alas-8: ng gabi sa Port of Manila patungo sa Cebu City.
Sinasabing ang PCG Manila Station ang nag-isyu umano ng clearance sa M/V Princess of the Stars na may lulang 869 katao naglayag sa kasagsagan ng bagyong Frank na humantong sa trahedya.
Naka-relieve sa kanyang puwesto si Balagas hang gang hindi natatapos ang isinasagawang imbestigasyon ng BMI. Si Balagas ay pinalitan sa puwesto ni Commander Danilo Ubaldo. (Doris Franche/Joy Cantos)