^

Bansa

GMA makikipagkita kina Obama at McCain

-

Hindi lamang ang pakikipagpulong kay US President George W. Bush ang mahalagang pakay ni Pangulong Arroyo sa kanyang 10-araw na working visit sa US kundi nais din nitong palakasin ang kanyang “political dynamics” kaya nais niyang makaharap ang magkalabang sina presidential candidate Barack Obama ng Democratic party gayundin si John McCain ng Republicans. 

Alas-10:30 kagabi ay tumulak na patungong San Francisco, California si Pangulong Arroyo kasama si FG Mike Arroyo, 10 Gabinete, Sen. Miriam Defensor-San­tiago, Sen. Richard Gordon at 59 na kongresista kabilang ang Presidential Son’s na sina Pampaga Rep. Mikey Arroyo at Camarines Sur Rep. Datu Arroyo.

Pagdating ng Pangulo sa San Francisco ay mag­sisimba ito kasama ang may 6,000 Fil-Ams saka mag­tutungo sa Washington upang makaharap si Pres. Bush sa Oval office sa June 24. 

Nakatakdang talakayin ng 2 lider ang global issues tulad ng terrorism, food security, nuclear non-proliferation at human rights. Magpapasalamat din si PGMA kay Bush dahil sa pagkakapasa ng Veterans Benefits bill kung saan ay makikinabang ang mga WW2 Filipino veterans. 

Sa pagbisita din ni PGMA sa US Capitol sa June 25 ay inaasahan ang pakikipagkita nito kay Obama at isang luncheon meeting kay McCain sa June 28. 

Ayon sa Pangulo, wala siyang nakikitang masama o mali sa gagawin niyang pakikipagkita sa magkalabang US presidential candidates. (Rudy Andal)

BARACK OBAMA

CAMARINES SUR REP

DATU ARROYO

MIKE ARROYO

PANGULONG ARROYO

PLACE

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with