Libreng seminars sa pamilyang OFWs at SMEs sa PTTC expo

Ipinahayag ng pamilyang Overseas Filipino Workers-Small and Medium Entrepreneurs Network Foundation, Inc. (POFW-SMENFI) na may libreng seminars sa trabaho, kabuhayan, pamumuhunan at negosyo para sa pamilyang OFWs at SMEs sa 7th Pamilyang OFWs-SMEs Expo na gaganapin ngayon sa Philippine Trade Traning Center na nasa may kanto ng Roxas Blvd. at Sen. Gil Puyat Ave. sa Pasay City.

Inorganisa ng POFW-SMENFI (na may tel. nos. 912-5803 at website address na http.www.pamilyangofw-sme.com), ang expo ay ang pangalawa sa apat na major events ng foundation para sa pamilyang OFWs at SMEs gayundin sa mga may kinalaman sa overseas employment at small and medium enterprises industries.

Bukod sa seminars, libu-libong trabaho abroad ang naghihintay din sa mga kuwalipikadong aplikante ng 30 lisensiyadong recruitment agencies mula sa Philippine Asso. of Service Exporters Inc.

Show comments