^

Bansa

P3-M ibinulsa ni Mayor!

- Joy Cantos -

Pumarte umano sa ibinayad na P5 milyong ransom si Indanan, Sulu Mayor Alvarez Isnaji at anak nitong si Haider kung saan P2 milyon lamang ang idineliber sa mga kidnaper at ang P3 milyon ay ibinulsa umano ng alkalde.

Sa press briefing sa Camp Crame kahapon, kinumpirma ni PNP Chief Director General Avelino Razon Jr. ang P5 milyong ransom na sinasabing naunang naibayad kapalit ng kalayaan ng assistant cameraman ng ABS-CBN na si Angelo Valderama.

“Ransom was paid. It was established that of the P5M ransom Isnajis’ only delivered P2-M ransom to the abductors and had kept the remaining balance,” ani Razon.

Gayunman, ang sina­sabing malaking bulto pa ng ransom na ibinayad naman sa mga kidnappers noong Hunyo 17 ilang oras bago palayain sina Ces Drilon, cameraman Jimmy Encarnacion at Prof. Oc­tavio Dinampo ay kasalu­kuyan pang inaalam.  

Batay sa mga impor­masyon, sinasabing nasa P20 hanggang P30M uma­no ang ibinayad kapalit ng paglaya ng mga bihag.

Gayunman, P5M la­mang sa nasabing ransom ang kinukumpirma ni Ra­zon dahil ito ang nakunan ng ebidensya ng isang opisyal ng PNP na nag­sil­bing undercover sa ransom payoff noong Hunyo 12 kung saan pinalaya si Valderama.

Ipinakita rin ni Razon sa mediamen ang mga larawan bilang ebidensya sa mag-amang Isnaji habang binibilang ang P5M ransom na nakunan sa bahay mismo ng mga ito sa Brgy. Timbangan, Indanan, Sulu ilang oras matapos na palayain si Valderama.

“The evidence itself speaks louder than words that the Isnajis is behind the abduction. It was gathered that Mayor Isnaji and his son had persistently applied pressure on the family of the victims,” sabi ni Razon. 

Ang naturang ransom umano ay sinasabing di­nala sa Sulu ni Frank Drilon, ka­patid ni Ces.

Nasa naturang larawan din si Sulu Vice Gov. Lady Ann Sahidullah na kasama ng mga itong nagbibilang ng pera.

Ani Razon, pinag-aara­­ lan na nilang gawin itong testigo laban sa mag-ama.

Lingid din sa kaalaman ng mag-amang Isnaji ay hindi negosyador ang nakasibilyang opisyal na si Sr. Supt. Winnie Qui­dato, ng PNP-Intelligence Group kundi na­niktik ito para kumuha ng mga ebi­den­sya laban sa mga ito.

Sinabi ni Razon na patuloy rin nilang iimbesti­gahan ang nagtraydor kina Ces na si Jumail Biyaw alyas Mameng na nasa kustodya ng AFP-Joint Task Force Comet sa Jolo, Sulu.

Maliban sa mag-amang Isnaji, kinasuhan din ng kidnapping-for-ransom ang dalawang na­unang natukoy na suspect na sina Sulayman Patta alyas Abu Harris/Tek, sub-leader ni Abu Sayyaf leader Radulan Sahiron at Taun Wais alyas Walid.

Pinaghahanap na rin sina alyas James, Seding, Amrin Adzker, Bas, Bakrin, Rihim, Tawing  at 3 iba pa na di natukoy ang pagka­kakilanlan; pawang mga tagasunod ni Sahiron alyas Kumander Putol, may patong sa ulong P5M.  

Ang mag-ama ay kap­wa nakakulong ngayon sa PNP-Custodial Center sa Camp Crame at walang piyansang inirekomenda sa mga ito.

vuukle comment

ABU HARRIS

ISNAJI

RANSOM

RAZON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with