DAVAO CITY – Sasaksihan ngayon ni Pangulong Arroyo ang “signing of declaration” ng pagsasanib ng Lakas-CMD at Kabalikat ng Malayang Pilipino (Kampi) upang palakasin ang partido sa nalalapit na 2010 national elections.
Gaganapin ang sanib-puwersa sa Apo View hotel sa Davao City kasabay ang proklamasyon ni incumbent ARMM Gov. Zaldy Ampa tuan bilang official candidate ng Lakas sa nalalapit na ARMM elections.
Kabilang sa mga inaasahang dadalo sa gaganaping regional consultation and caucus sina Sen. Juan Miguel Zubiri na secretary-general ng Lakas; Rep. Simeon Datumanong, deputy speaker at VP for Muslim Communities ng Lakas, former Rep. Prospero Pichay na VP for Mindanao ng Lakas; ARMM Gov. Ampatuan at Lakas national directorate director Raymundo Roquero. (Rudy Andal)