^

Bansa

Kahit may kaso, pulis dapat ma-promote

-

Muling umapela ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa Kongreso na amiyenda­han na ang PNP Law upang maituwid ang ilang regulasyon kabilang na ang hindi pagbibigay ng promosyon sa mga pulis na may kinakaharap na kaso.

Sinabi ni Deputy Director General Jesus Ver­soza, hindi makatwiran na hindi pagkalooban ng promosyon ang isang pulis na magaling at epek­tibo sa tungkulin nito dahil lamang sa kasong isi­nampa dito.

Iginiit nito na marami sa mga kasong kinaka­harap ng maraming pulis ay may kaugnayan sa pagtupad sa kanilang tungkulin at malaking ba­hagdan ay “harassment” lamang sa pulisya lalo na ng mga sindikato.

Sinabi rin ni Versoza na patuloy pa rin silang humihingi ng “supplemental budget” sa Kongreso upang mabayaran nila ang mga benepisyo at pension ng mga retira­dong pulis dahil sa kaka­pusan ng pondo ng pam­bansang pulisya.

Kasalukuyan umano nilang pinalalakas ngayon ang ugnayan sa asosas­yon ng mga retiradong pulis upang epektibong maibigay ang kanilang pension at maghanap ng mga “independent” na mga organisasyon na ma­sasalihan para makatu­long sa paghahanap ng pondo para sa mga reti­rado. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DEPUTY DIRECTOR GENERAL JESUS VER

IGINIIT

KASALUKUYAN

KONGRESO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with