Pormal nang mauupo bilang bagong Press Secretary si Secretary Jesus Dureza bilang kapalit ni outgoing Press Secretary Ignacio Bunye.
Mananatili pa rin si Sec. Bunye bilang Presidential Spokesman hanggang sa July 3 at pansamantalang ipapalit sa kanya ni Pangulong Arroyo si Executive Secretary Eduardo Ermita bilang concurrent capacity.
Siniguro naman ni Sec. Dureza na walang magiging “drastic changes” sa kanyang pag-upo sa OPS kundi ipagpapatuloy lamang niya ang naiwang trabaho ni Bunye.
Si Bunye ay magiging board of directors ng Monetary Board ng Bangko Sentral ng Pilipinas simula sa July 3. (Rudy Andal)