^

Bansa

Suporta sa Edsa 2 pinagsisisihan ng CBCP

-

Inamin ng Catholic Bi­shops Conference of the Philippines (CBCP) na iti­nu­tu­ring nilang isa uma­nong malaking pagkaka­mali ang kanilang gina­wang pagsuporta sa EDSA 2 na nagresulta sa pagpa­pa­talsik sa pwesto kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Ayon kay Manila Arch­diocese Vice Chancellor Fr. Sid Marinay na sa naganap aniya noong EDSA 2, hindi na nahintay pa ang magi­ging hatol ng mga mamba­batas o ng hukuman sa impeachment case laban kay Estrada at hindi rin umano narespeto ang “rule of law” sa naganap na People Power.

Noong EDSA Dos aniya, ang simbahan sa pangunguna ng yumaong si dating Manila Arch­ bishop Jaime Cardinal Sin ay nagdeklarang guilty sa plunder at corruption ang dating Pangulong Erap at nakiisa sa panawagang mapatalsik ito sa pwesto.

Taliwas aniya sa naging layunin ng EDSA 1 noong 1986 kung saan kumilos ang publiko upang maiwa­san ang pagdanak ng dugo at di magandang pangya­yari sa sandaling lisanin ni dating Pangulong Fer­dinand Mar­cos ang Mala­kanyang.

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit sa ngayon ay hindi na sinusuportahan ng CBCP ang anumang pana­wagan na maglunsad muli ng People Power.

“The era of political acti­vism faded away with the passing away of Cardinal Sin,” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyang pa­mu­nuan aniya ng CBCP, sa halip na lumabas sa kal­ye, hinihikayat na lamang ang publiko na maging “re­flective” at iwasan ang pagiging mapanghusga.

Naniniwala na din aniya ngayon ang publiko na kahit mapaalis pa o hindi sa pwesto ang na­mumuno sa bansa mana­natili pa rin ang problema ng Pilipinas.

Nakita na umano ito sa kinalabasan ng EDSA 2 na kahit napatalsik ang dating Pangulong Estrada, hindi pa rin naman natapos ang problema ng bansa, sa su­mu­nod na umupo sa pwes­to at nanatili ang korapsyon sa pama­halaan. (Doris Franche)

CARDINAL SIN

CATHOLIC BI

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DORIS FRANCHE

MANILA ARCH

PEOPLE POWER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with