^

Bansa

Drivers license gagamitin ng bangko sa pautang

-

Gumagawa ngayon ng isang sistema ang Land Transportation Office (LTO) at ang mga bangko upang maberepika mula sa pag­gamit ng internet ang rec­ord ng isang drivers license holder na may transak­siyon sa mga bangko.

Ayon kay LTO Assistant Secretary Alberto Suan­sing, nakipagpulong siya sa mga opisyales ng Bankers Association of the Philippines Cre­dit Bureau, Inc. (BAPCB), Philippine Finance Association (PFA) at ang IT company ng LTO upang isapinal ang pagbuo ng isang web-based facility na maglalaan sa mga bangko at mga financial institutions sa pa­ mamagitan ng access sa LTO database tungkol sa rekord ng mga drivers license holder at mga rehis­tradong sa­sakyan.

Sinabi ni Suansing na takda nilang lagdaan ang isang kasunduan sa mag­kabilang panig sa susunod na buwan upang maipatu­pad ang naturang pro­yekto.

Ang proyekto ay mag­bibigay daan sa mga bang­ko at financing companies na ma-verify electronically sa pamamagitan ng internet ang rekord ng isang driver at ang status ng sasakyan na gagamitin collateral kapag umutang ang isang indibidwal sa bangko. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ASSISTANT SECRETARY ALBERTO SUAN

AYON

BANKERS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES CRE

CRUZ

LAND TRANSPORTATION OFFICE

PHILIPPINE FINANCE ASSOCIATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with