Lumusot na bago magbakasyon ang Senado ang Senate Bill 2150 na naglalayong bigyan ng patas na panahon at pagkakataon upang sumagot ang isang tao o kumpanya na tinuligsa sa media.
Ang SB 2150 o Right to Reply Bill ay inaprubahan ng Mataas na Kapulungan para naman mabigyan ng pantay na karapatan ang binabatikos sa pahayagan, radyo at telebisyon.
“All persons who are accused directly or indirectly of any crime or offense or are criticized by innuendo, suggestion or rumor for any lapse in behavior in public or private life shall have the right to reply to the charges published in newspapers and other publications or to criticisms aired over radio, television, website or through any electrical device,” anang panukala na inakda nina Senate Minority Leader Aquilino Q. Pimentel, Jr. at Sens. Ramon Revilla, Jr. at Francis Escudero.
Ipinaliwanag ng mga senador na ang “right to reply” ay bahagi ng malayang pamamahayag para protektahan ang mga personaildad na inatake sa pamamagitan ng walang basehan at batayan na artikulo.
Naniniwala din si Pimentel na isang solusyon sa pagpaslang sa mga mamamahayag ang right to reply dahil mababawasan ang galit ng taong inatake at hindi na ito magdudulot pa ng karahasan. (Malou Escudero)