^

Bansa

‘Right to reply’ inaprub

-

Lumusot na bago mag­bakasyon ang Se­nado ang Senate Bill 2150 na nag­lalayong bigyan ng patas na pa­nahon at pag­kaka­taon upang sumagot ang isang tao o kumpanya na tinuligsa sa media.

Ang SB 2150 o Right to Reply Bill ay inapru­bahan ng Mataas na Ka­pulungan para naman mabigyan ng pantay na karapatan ang binaba­tikos sa pahayagan, radyo at telebisyon.

“All persons who are accused directly or indirectly of any crime or offense or are criticized by innuendo, suggestion or rumor for any lapse in behavior in public or private life shall have the right to reply to the charges published in newspapers and other publications or to criticisms aired over radio, television, website or through any electrical device,” anang panukala na inakda nina Senate Minority Leader Aquilino Q. Pimen­tel, Jr. at Sens. Ramon Re­villa, Jr. at Francis Escu­dero.

Ipinaliwanag ng mga senador na ang “right to reply” ay bahagi ng ma­la­yang pamamaha­yag para protektahan ang mga personaildad na inatake sa pamama­gitan ng wa­lang base­han at batayan na arti­kulo.

Naniniwala din si Pi­mentel na isang solu­syon sa pagpaslang sa mga mamamahayag ang right to reply dahil ma­ba­ba­wasan ang ga­lit ng taong inatake at hindi na  ito magdu­dulot pa ng ka­ra­hasan. (Malou Escudero)

FRANCIS ESCU

IPINALIWANAG

LUMUSOT

MALOU ESCUDERO

RAMON RE

REPLY BILL

SENATE BILL

SENATE MINORITY LEADER AQUILINO Q

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with