^

Bansa

Presyo ng de-lata tataas

-

Inaasahang tataas ang presyo ng mga de-latang pagkain sa susu­nod na buwan ng Hulyo bunsod na rin ng pagtaas sa halaga ng tin can at wa­lang humpay na pagsirit ng presyo ng langis.

Inanunsiyo na ng mga “meat processor” na wala na silang magawa kundi itaas ang presyo ng mga de-lata ng hanggang 25-35 sentimos kabilang dito ang mga corned beef, luncheon meat at sausage.

Kasali rin sa mga tataas ang instant nood­les at pu­malo ng hang­gang 75 sen­timo kada piraso ang ma­lamang itaas habang ang sar­dinas, hanggang 20 sen­timo kada lata ang increase.

Gayunman, niliwanag ni Undersecretary Zenai­da Maglaya ng Department of Trade and Industry  (DTI) ang hakbang na ito ng mga retailers ay ilegal dahil wala itong bas­bas ng naturang ahensya.

“We were not informed that is why the standard retail price (SRP) remains the same..in the case of sardines, some brands increased their price while the others remained,” pahayag pa ni Maglaya.   

Binigyang diin ni Mag­laya na dapat ay inabi­suhan muna ng naturang mga retailers ang ahen­siya higgil sa kung anu­mang hakbang na gaga­win nila.

Binigyan ng DTI ng hang­gang sa susunod na linggo ang mga retailers at canned goods manufacturers upang magpa­liwanag.

Sa kanyang panig, sinabi naman ni Henry Tanedo, chairman at pre­sident ng Tin Can Manufacturers Association of the Philippines na sila ay magsusumite ng kanilang position paper sa DTI.

“The cost of raw materials is increasing that is why we have to increase our prices by 10 percent next month,” pahayag ni Tanedo.

Ang halaga ng 202 cans na gamit sa packaging ng sardinas ay P3.40 at inaasahan na ito ay papalo ng P3.74 bawat piraso sa Hulyo.

Noong Enero, ang ha­laga ng 202 cans ay uma­abot lamang sa P3.05 

“We cannot do anything. Tin plates are all imported and the peso has already dropped almost 5 percent,” sabi pa ni Tanedo.

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

HENRY TANEDO

HULYO

MAGLAYA

NOONG ENERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with