System loss, generation charge tinapyasan ng Meralco
Matatamasa ng publi ko ang mababang singil sa kuryente simula ngayong buwan ng Hunyo matapos na ianunsyo ng Manila Electric Company (MERALCO) na magbabawas sila sa kanilang system loss at generation charge.
Ayon kay Elpi Cuna Jr., vice president for corporate communication ng Meralco, tatapyaan ng 6.38 centavos kada kilowatthour (kWH) ang system loss charge at 42.34 centavos kada kWh ang generation charge o kabuuang 48.72 centavos kada kWh ang ibababa sa singil sa kuryente ng mga consumers na makikita sa June billing.
Binanggit ni Cuna na ang pagbabawas nila sa generation at system loss charge ay bunga ng pag baba sa halaga ng bini- ling kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) noong buwan ng Mayo na umabot sa P4.4520 kada kWh, sinasabing siyang pinakamababa simula nang magbukas ang WESM noong Hulyo 2006.
Ipinabatid pa nito na aabot sa P13.23 ang ma babawas sa mga customer na kumukunsumo ng 50 kWhs habang P42.92 sa kumukunsumo ng 100 kWhs at P114.41 sa 200 kWhs. (Edwin Balasa)
- Latest
- Trending