Free legal assistance sa pulis na sasabit
Bibigyan ng libreng “legal assistance” ng Philippine National Police (PNP) ang mga opisyal at tauhan nito na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo sa pagtupad sa tungkulin.
“Our men in uniform are tasked to walk the beat in proper uniform and walk proudly and bravely face the daily dangers of police work. It is in this view that the PNP Chief has made legal assistance as one of his priority projects,” pahayag ni PNP Director for Administration Deputy Director Jesus Verzosa sa one-day free legal aid clinic para sa PNP personnel na ginanap sa PNP Clubhouse sa Camp Crame, Quezon City.
Sinabi ni Verzosa na ka sama sa trabaho ng mga pulis ang maharap sa kasong administratibo at kriminal kaya pinasalamatan nito ang mga abogado na handang tumulong upang ipagtanggol ang kaso ng mga pulis ng libre.
Sa ilalim ng “Project Legis” ay tutulungan ang may 78 personnel mula sa iba’t ibang National Sup-port Units na may kinakaharap na kasong kriminal na nakasampa sa tanggapan ng Ombudsman habang 370 ang may kasong administratibo na naisampa sa iba’t ibang yunit ng PNP. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending