Ipinakilala kahapon ang pangatlo at panghuling batch ng mga iskolar ng Bagong Doktor Para sa Bayan project of First Gentleman Mike Arroyo sa isang recognition luncheon sa Palasyo ng Malacanang.
May 11 iskolar ang pinili bawat isa mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at University of the Philippines-Manila.
Ang mga PLM scholars ay sina: Andrew Anicete, Rodney Boncajes, Gabriel Mark Casuga, Angeli Cornia, Ma. Vinna Crisostomo, Evangeline Cuartero, Rowell Deniega, Franzi Mae Elloran, Jennyleen Placido, Jan Krisna Rodriguez at Peonio Toledo Jr.
Ang mga napili naman mula sa UP-Manila ay sina Annabelle Cacho, Charisse Cantor, Emilio Raymund Claudio, Cherylle Gavino, Stephen Joseph Garcia, Lizette Jamora, Yousef Elben Marino, Recival Salongcay, Edgardo Samson II, Astrid Tan at Zhamir Umag.
Ang tanging kapalit ng scholarship ay ang pagsisilbi ng dalawang taon sa mga mahihirap na lugar na wala o kulang sa doktor na mapipili ng Department of Health.