Pangungunahan ngayong umaga ni Pangulong Arroyo ang pagdiriwang ng 110th Independence Day kung saan ay mangunguna siya sa pagtataas ng watawat sa bantayog ni Gat. Jose Rizal sa Luneta Park.
Inatasan din ng Pangulo ang kanyang mga Gabinete na manguna sa flag raising sa iba’t ibang national shrine ng bansa kasabay ang pag-iikot sa mga lalawigan upang masiguro ang supply ng bigas sa mamamayan.
Iinagurahan din ni Pangulong Arroyo ang ikalawang Gwapotel na nasa Jose Abad Santos Ave., Maynila.
Bubuhayin naman ni Pangulong Arroyo ang tradisyunal na “rigodon de honor” sa Malacanang kung saan ay 20 pareha ang mangunguna sa pagsasayaw na mula sa mga miyembro ng Gabinete, Kongreso at Diplomatic Corps. (Rudy Andal)