Nakalusot kahapon sa Commission on Appointments ang 5 miyembro ng Gabinete at 97 iba pa sa kabila nang naging pagwa-walkout ni Sen. Jamby Madrigal.
Kabilang sa mga kinumpirma ng CA ang 2 constitutional officials, 8 ambassadors, 47 diplomats, AFP chief of staff, at 39 opisyal ng militar.
Kabilang sa mga nakalusot sina Health Sec. Francisco Duque III; Budget Sec. Rolando Andaya Jr.; Finance Sec. Margarito Teves; DOJ Sec. Raul Gonzalez; DILG Sec. Ronaldo Puno; COA chairman Reynaldo Villar at Comelec chairman Jose Melo na tatagal hanggang Pebrero. 2, 2015.
Nakalusot din sina Ambassadors Francisco Benedicto na nakatalaga sa India at Nepal; Noe Wong, Cambodia; Cristina Castaner Ponce-Enrile, Vatican. Sinuwerte rin sina AFP Chief Alexander Yano at 39 pang military officials. (Malou Escudero)