^

Bansa

Magdamit ng disente sa pagsisimba - CBCP

-

Hindi nagustuhan ng isang mataas na lider ng Simbahang Katoliko ang patuloy pa ring pagsusuot ng hindi disenteng damit ng mga tao sa kanilang pag­ dalo sa banal na misa, sa kabila nang nauna nang advisory ng simba­han hinggil dito.

Sinabi ni Davao Archbishop at dating Catholic Bishops‚ Conference of the Philippines (CBCP) President Fernando Ca­palla na hindi sapat na dahilan ang “personal freedom’ ng isang indibid­wal upang hindi na mag­pakadisente sa pag­harap sa Panginoon.

Tahasan din namang iginiit ng arsobispo na maituturing na isang “ka­hangalan” kung ang personal na kalayaan ang ga­gamiting rason ng isang tao upang hindi magsuot ng maayos na damit sa pagsi­simba.

Paliwanag ni Capalla, bagamat naninirahan ani­ya tayo sa isang demo­kra­ti­kong bansa, na may garan­tiya ang kalayaan ng bawat isa, ay mayroon din naman umanong limi­tasyon ito.

Nanawagan rin naman ang arsobispo sa kani­yang nasasakupan na magsuot ng disente at simpleng damit tuwing dadalo sa mga relihiyo­song pagtitipon.

Ang kanyang panawa­gan aniya ay hindi lamang para sa mga mananam­palataya kundi maging sa mga pari at iba pang opis­yal ng simbahan.

Ayon kay Capalla, ang shorts at jogging pants ay isinusuot lamang dapat sa sporting occasions at hindi sa pagsisimba, habang ang maiikling damit na maitu­ turing na aniyang parang beach wear, ay hindi rin aniya bagay sa pagdalo sa banal na misa. (Doris Franche)

CAPALLA

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

DAVAO ARCHBISHOP

DORIS FRANCHE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with