Liberalized visa policy ng BID suportado ng business groups

Nagpahayag ng su­porta ang malalaking international business organizations sa liberalized visa policy ni Pangulong Arroyo na ipinapatupad ngayon ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) dahil nagresulta umano ang programa sa pagdagsa ng foreign investments at turista sa bansa.

“Most of all, our people are and can no longer be victims of fixers,” wika nina Anson Tan, pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Inc.; Shamee Qurashe, president, Philippine Association of Multinational Companies Regional Head­quarters at Dilip Budhrani, acting president, Indian Chamber of Commerce, Phils., Inc. sa kani­lang sulat pagpupugay kay BI Commissioner Marce­lino Libanan noong Hunyo 4, 2008.

Sa ilalim ng visa upon arrival program (VUAP) na inaprubahan ni Justice Secretary Raul Gonzalez, ang mga banyaga ay pu­wede nang matiwasay na pumasok sa bansa sa loob ng 30 araw na maaring palawigin pa sa anim na buwan.

Ayon kay Libanan, layon ng VUAP na maba­wasan o tahasang mawala ang human smuggling, suportahan ang investment promotions, mga progra­mang pangturismo, ma­susing bantayan ang pag­dating ng mga turista at ang mabisang pa­ngongo­lekta ng gobyerno sa buwis mula sa bayad sa visa.

Show comments