Liberalized visa policy ng BID suportado ng business groups
Nagpahayag ng suporta ang malalaking international business organizations sa liberalized visa policy ni Pangulong Arroyo na ipinapatupad ngayon ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) dahil nagresulta umano ang programa sa pagdagsa ng foreign investments at turista sa bansa.
“Most of all, our people are and can no longer be victims of fixers,” wika nina Anson Tan, pangulo ng Philippine Chamber of Commerce and Industry, Inc.; Shamee Qurashe, president, Philippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters at Dilip Budhrani, acting president, Indian Chamber of Commerce, Phils., Inc. sa kanilang sulat pagpupugay kay BI Commissioner Marcelino Libanan noong Hunyo 4, 2008.
Sa ilalim ng visa upon arrival program (VUAP) na inaprubahan ni Justice Secretary Raul Gonzalez, ang mga banyaga ay puwede nang matiwasay na pumasok sa bansa sa loob ng 30 araw na maaring palawigin pa sa anim na buwan.
Ayon kay Libanan, layon ng VUAP na mabawasan o tahasang mawala ang human smuggling, suportahan ang investment promotions, mga programang pangturismo, masusing bantayan ang pagdating ng mga turista at ang mabisang pangongolekta ng gobyerno sa buwis mula sa bayad sa visa.
- Latest
- Trending